Edukasyon - Ang Pamana Namin

notesnikiko.com Edukasyon - Ang Pamana Namin

Sanaysay

Eto na naman ang hunyo at pasukan na naman siguradong na-enroll ka na!

Back To School

Alam mo bang marami ang katulad mo na patuloy na nag‑aaral na tinutustusan ng magulang na OFW? Kung hindi man, siguro uncle mo or tita mo, o kaya kapatid mo, wala kaming ibang mithiin kundi ang suportahan ang edukasyon mo na tanging maipapamana namin sa iyo.

Hindi ka naiiba sa mga estudyante na mayaman, estudyante na mahirap, magiging angat ka lang sa kanila, kung magiging matiyaga ka sa pag aaral mo. Kung iisipin mo lang ang tinitiis naming init ng panahon dito sa gitnang silangan, ang tinitiis na malayo ka sa piling namin upang matustusan ang pang matrikula mo at pang araw‑araw mong gastos. Hindi ito panunumbat ngunit kailangang malaman mo na nakahanda kaming gawin ang lahat ng bagay para sa pag‑aaral mo. Dumating man ang panahon na bumalik na kami diyan sa Pilipinas, masasabi naming nagtagumpay kami sa layunin namin para sa kinabukasan mo.

Sa darating na pasukan, mag‑aral kang mabuti anak!